Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga ahensiya ng pamahalaan na makipagtulungan sa implementasyon ng 2024 National Crime Prevention Program (NCPP).
Batay sa Memorandum Circular No. 46, nakasaad na mahalagang suportahan ng mga ahensiya ng pamahalaan at Local Government Units (LGUs) ang NCPP 2024 para matiyak na magiging matagumpay ito.
Layunin ng NCPP na mabawasan ang mga krimen sa bansa para sa tuloy-tuloy na pag-unlad sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Ang National Police Commission (NAPOLCOM) ang pangunahing ahensya na pagpapatupad ng NCPP.
Matatandaang isinumite ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naturang program kay Pangulong Marcos nitong Pebrero para magpatupad ng cross-cutting strategies para sa mas ligtas na komunidad at protektahan ang karapatan ng mga Pilipino.