Mga ahensiya ng gobyerno na bumalewala sa rekomendasyon ng Senado sa anomalya sa PhilHealth, binalaan ni SP Sotto

59

Binalaan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga ahensiya ng gobyerno na bumalewala sa kanilang rekomendasyon kaugnay sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos hindi mapasama si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa mga kakasuhan kaugnay sa mga katiwalian sa ahensiya.

Ayon kay Sotto, dumaan sa plenaryo ng Senado ang rekomendasyong ibinigay nila sa Department of Justice (DOJ) at nagkaisa rito ang minority at majority.

Banta ni Sotto sa mga ahensyang ito, handa rin silang balewalain ang budget ng mga ito pagdating sa deliberasyon ng kanilang pondo.

Facebook Comments