Mga ahensiya ng gobyerno na susuporta sa troll farms, posibleng hindi na mabigyan ng pondo ayon sa isang senador

Ibinabala si Senator Joel Villanueva ang posibleng pagtanggal ng pondo ng mga ahensya ng gobyerno na sangkot sa troll farms sa 2022 election.

Ayon kay Villanueva, maituturing na sandata para sa pagkakagulo ang ginagawang troll farms na nagpapakalat ng mga maling impormasyon online.

Maliban sa defund o hindi na pagbibigay ng pondo, sinabi pa ni Villanueva na posibleng magkaroon din ang mga ito ng paglabag sa mga kasalukuyang batas na hindi nila dapat na gawin.


Sa ngayon, kasama ang 11 pang senador ay naghain na ng resolusyon si Villanueva upang imbestigahan ang mga ulat na ginagamit ang pampublikong pondo para gastusan ang mga troll farms.

Facebook Comments