Siguradong mabibigyan ng angkop na pondo sa ilalim ng ₱6.352 trilyong na panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon ang mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Philippine Coast Guard (PCG) na siyang dumedepensa sa teritoryo ng bansa kasama ang West Philippine Sea.
Inihayag ito nina Senior Deputy Speaker and Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe
Ayon kay Gonzales ilang beses ng sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na bibigyan ng pondo ang PCG gayundin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Binanggit naman ni Dalipe na malinaw ang polisya na inilatag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address na nagbibigay importansya na maidepensa ang ating pambansang teritory at integridad.