Direkta nang pinakikilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang national government agencies para pangasiwaan ang pagbibigay ng pangangailangan ng mga apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Sa isinagawang Situation breifing kahapon sa Albay na pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr, inutusan nito ang mga ahensya ng pamahalaan na kunin na muna sa Lalawigan ng Albay ang pangangasiwa sa pagbibigay ayuda sa mga pamilyang apektado para matiyak na lahat ay mabibigyan ng nararapat na tulong
Binigyan ng pangulo ang mga national government agencies ng 45 araw hanggang 90 araw para tulungan ang mga apektadong pamilya.
Ito ay upang hindi rin maubos agad ang quick response fund ng lalawigan ng Albay.
Utos rin ng pangulo sa mga LGU’s na tulungan ang National government sa pagtukoy sa mga dapat iprayoridad lalo’t sila ang mas nakakaalam ng sitwasyon sa lugar.
Binigyang diin rin ng pangulo ang pangangailang suportahan ang ibang mekanismo katulad ng kabuhayan at iba pang aktibidad lalo na ang sitwasyon ng mga kabataang ngayon na napipilitang hindi na pumasok sa eskwelahan dahil sa pag-alburuto ng Bulkang Mayon.
Kaugnay nito, nagbigay naman ang lokal na pamahalaan ng Albay nang karagdagang recovery at rehabilitation requirements ng lalawigan para mas magsilbi itong gabay ng national government sa pagbibigay ng tulong.