Mga ahensya ng gobyerno, dapat alisin na sa Metro Manila para masolusyunan ang problema sa trapiko

Iginiit nina Senate President Tito Sotto III at Senator Win Gatchalian na ilipat sa mga lalawigan ang mga tanggapan ng pamahalaan dito sa Metro Manila.

Ito ay para mapaluwag ang napakasikip na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Sotto, pwedeng ilipat ang Malakañang sa Clark, Pampanga. Ang DENR ay pwedeng ilagay sa Zambales at ang DPWH ay pwedeng ipwesto sa Bulacan.


Si Senator Gatchalian ay may inihain nang Senate Resolution Number 876 hinggil dito kaakibat ang paliwanag na maging sa ibang bansa ay ganito na rin ang ginawa para maibsan ang problema sa trapiko.

Para kay Sotto, band aid solution o pansamantalang solusyon lamang ang ipinapatupad ng Provincial Bus Ban sa EDSA.

Facebook Comments