Mga ahensya ng gobyerno, grupo ng mga commuter at transport sectors, paghaharapin bukas sa pagdinig ng Senado

Paghaharapin bukas sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services ang mga opisyal ng mga ahensya ng gobyerno, mga kinatawan ng transport sector at commuters group para pag-usapan ang jeepney phaseout sa June 30 at ang public utility vehicle (PUV) modernization program.

Idaraos bukas, ala-1:30 ng hapon ang pagdinig ng Senado na layong pigilan ang nakaambang na welga ng mga transport group bunsod na rin ng gagawing phaseout sa mga traditional jeepney.

Kasama sa inimbitahan bukas ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Budget and Management (DBM), Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).


Ipapatawag din bukas ang mga transport at commuter groups kabilang ang Manibela, ALTODAP, PISTON, Pasang Masda, FEJODAP, Laban TNVS, Stop and Go Transport Coalition, Lawyers for Commuters Safety and Protection at Move as One.

Inimbitahan din sa pagdinig ang iba pang stakeholders tulad ng Get Vehicles (e-jeep), EVT USA at MPT Mobility.

Naunang nagkasundo ang mga senador na i-exempt sa 3-day rule at ikasa na agad bukas ang pagdinig sa isyu ng mga drivers, operators at mga commuters na maaapektuhan ng PUV modernization at pag-phaseout ng traditional jeepneys dahil ito ay usapin ng ‘national concern’.

Facebook Comments