Mga ahensya ng gobyerno, inatasan ni PBBM na magbigay ng premyo at insentibo sa mga LGU na may malinis na kapaligiran

Inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa concerned government agencies na isama ang kalinisan sa performance guarantees ng mga Local Government Unit (LGU) sa pagbibigay ng premyo o insentibo.

Pahayag ito ng pangulo kasabay ng paghikayat sa mga Pilipino na makiisa sa National Community Development Day na ginaganap ngayong araw January 6.

Sinabi ng presidente, ang mungkahing pagsiglahin muli ang pagdiriwang ng Community Development Day ay nanggaling sa mga pinuno ng mga barangay.


Sinusuportahan naman ito ni PBBM sa paniniwalang mahalagang may aksyong ginagawa hindi lamang sa mga barangay maging sa national government.

Giid ng presidente kailangang simulan ang kaayusan at kalinisan dahil aniya deserve ng mga Pilipino ang dugyot at maruming komunidad, kaya kailangang kumilos para gawing maaliwalas at malinis ang kapaligiran.

Pinaalalahan din ng pangulo ang mga Pilipino nanang karagatan ay hindi dapat ginagawang basurahan dahil sumisira ito sa mga yamang dagat.

Kahapon ay una nang nagisyu ang pangulo ng Memorandum Circular No. 41, na nag-uutos sa mga ahensya ng pamahalaan at naghihikayat sa mga LGU na i-obserba ang “Community Development Week” at “Community Development Day” sa pamamagitan ng “Bayanihan Spirit”.

Facebook Comments