Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tukuyin ang mga lupaing maaring gamitin para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program na isa sa mga flagship program ng Marcos administration.
Ang direktiba ay ginawa sa pamamagitan ng inisyung sa EO No. 34 ni Pangulong Marcos Jr.
Ang Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD ay ang pangunahing ahensya ng gobyerno na responsible sa pamamahala ng pabahay at human settlements sa bansa.
Batay sa EO, inuutusan ng pangulo ang DHSUD na tukuyin ang mga lupaing pag-aari ng national at local government kasabay ng paikipag-ugnayan sa mga Non-Government Organizations (NGOs) at Local Government Unit (LGU).
Mandato pa ng DHSUD na irekomenda sa pangulo sa pamamagitan ng DENR na maglabas ng mga proclamations na nagdedeklara sa mga public land na gamitin para sa mga pabahay.
Nakasaad din sa inaprobahang EO inaatasan ang lahat ng national government agencies na magsagawa ng inventory sa loob ng 60 araw mula sa paglalabas ng order ng pangulo.