Mga ahensya ng gobyerno, maglalabas ng guidelines sa tamang pagsusuot ng face shields

Maglalabas ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng guidelines sa tamang pagsusuot ng face shield ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ay matapos i-require ng IATF sa publiko ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar maging sa labas ng bahay.

Ang mga ahensiya ng gobyerno na kasama sa guidelines ay ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Labor and Employment (DOLE).


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, suportado ng siyensya ang ipapatupad na polisiya kung saan makakatulong ito sa pagpigil ng paghahawaan ng COVID-19.

Facebook Comments