Mga ahensya ng gobyerno, nagpulong para sa pagsugpo sa insurgency

Nagpulong-pulong kamakailan ang mga member-agencies ngRegional Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (RPRLEC) napinangungunahan ng Technical Education and Skills Development Authority(TESDA), upang seryosong pag usapan ang mga gagawing tulong para sa mga rebelreturnees, IPs at mga mahihirap sa mga liblib na lugar sa rehiyon 9 nakalimitan ay target ng insurgency.

Sa nakuhang impormasyon mula sa PIA, layunin ng RPRLEC ang povertyreduction, paggawa ng oportunidad sa trabaho; food security at patatagin angmga komunidad. Napagkasunduan ng naturang cluster na magkaroon ng isang pilotarea ang bawat probinsya na magsisilbing model village bago matapos ang taong2019.
Base sa rekomendasyon ng National Intelligence CoordinatingAgency (NICA), napili ng naturang grupo ang barangay Titik, Leon Postigo saZamboanga del Norte at Guinoman, Diplahan, Zamboanga Sibugay bilang priorityinsurgency-prone areas, samantalang pag-uusapan pa kung aling lugar saZamboanga del Sur ang magiging pilot area.

Tiniyak ng naturang cluster na babaha ang tulong at serbisyo nggobyerno sa maa-identify na pilot area, upang matiyak na hindi mahihikayat sapagsapi sa anumang komunistang grupo ang mga naninirahan dito, lalong-lalo naang mga kabataan. Ang RPRLEC ay isa sa labindalawang cluster ng National TaskForce to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na binuo ngadministrasyong Duterte sa ilalim na EO 70 upang sugpuin ang insurgency sabansa. -30- (Mardy D. Libres)with reports from PIA-9


Facebook Comments