Manila, Philippines – Naka-heightened alert na ang mgaahensya ng gobyerno para matiyak na maayos at mapayapang paggunita ng SemanaSanta.
Ito’y bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong RodrigoDuterte na tiyakin ang seguridad ng publiko habang siya’y nasa abroad.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella –kasado na ang ‘oplan biyaheng-ayos!’ Semana Santa 2017.
Dito, mahigpit ang seguridad ang pina-iiral sa mga pampublikongtransportasyon tulad ng mga terminal ng bus, paliparan at pantalan upangbumiyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Paalala namam ni MIAA General Manager Ed Monreal –ipinagbabawal nang mag-leave ang mga empleyado ng Bureau of Immigration.
Sa datos ng MIAA, pumalo sa halos 135,000 na mga pasaheroang naitala sa NAIA mula noong araw ng Sabado.
Sinabi naman ni sirikit lim, ticketing manager ng Aranetacenter bus port – fully booked na ang lahat ng biyahe ng mga aircon bus lalo nasa mga papauwi sa Bicol region.
Inaasahan na lolobo ang bilang ng mga pasahero simulabukas, Miyerkules Santo.
Mga ahensya ng gobyerno, naka-heightened alert na
Facebook Comments