Nakahanda na ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Ramon.
Pinayuhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council – Pre-Disaster Risk Assessment (NDRRMC-PDRA) core group ang publiko na magsagawa ng precautionary measures habang papalapit ang Bagyong Ramon.
Tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang 420 na mga Barangay sa Regions 1, 2, 5 at CAR ang delikado sa banta ng pagbaha at landslides.
Naka pre-position na ang 294,650 family food packs sa 17 field offices ng DSWD.
Naka-standby na rin ang non-food items na nagkakahalaga ng mahigit P684 Million.
Samantala, nag-abiso na rin ang DILG sa mga lokal na pamahalaan na maghanda sa posibleng paglikas lalo na iyong mga nasa Landslide at Flood-Prone Areas.