Manila, Philippines – Muling pinaalalahanan ng National Privacy Commission (NPC) ang mga ahensya ng gobyerno na sumunod sa Data Privacy Act.
Ito ay para hindi na maulit ang umano ay passport data breach sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni NPC Commissioner Raymund Liboro na dapat mas maging maingat ang gobyerno sa mga papasukin nitong kontrata lalo na pagdating sa seguridad ng impormasyon at data sharing.
Kahapon, matatandaang sinabi ni Liboro na tuloy ang kanilang imbestigasyon sa data breach.
Ito ay kahit pa nilinaw na ni DFA Secretary Teodore Locsin Jr. na walang nawawalang datos sa halip ay nagkaroon lang ay may bahagi lang na hindi mabuksan o ‘corrupted’.
Para kay Liboro – bukod sa ang usapin ang tungkol sa sensitibong impormasyon ng mga Pilipino mabubuksan din sa imbestigasyon ang tungkol sa mga kontratang pinapasok ng gobyerno.
Sa Lunes, sisimulan ng NPC ang imbestigasyon sa isyu kung saan inimbitahan ang DFA gayundin ang Apo Production Unit, Inc. na may hawak ng kontrata para sa pag-imprenta ng mga pasaporte.