Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga ahensya ng pamahalaan na dalhin ang Kapaskuhan sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.
Ayon sa Pangulo, naging mahirap ang taon dahil sa tumamang El Niño at La Niña na nag-iwan ng malaking epekto sa bansa partikular sa sektor ng agrikultura.
Kaya naman ipinangako ng Pangulo na walang makahaharang sa pagdiriwang ng Pasko para sa mga Pilipino kahit sa maraming pagsubok ngayong taon.
Hinimok din ng Pangulo ang lahat na magdiwang at magsaya nang kahit kaunti kasama ang pamilya, at ipagpatuloy ang tradisyon ng Paskong Pinoy.
Facebook Comments