Mga ahensya ng pamahalaan na tumututok sa anti-drug campaign, hinimok ni Chief Justice Bersamin na i-review ang kanilang mga polisiya

Hinikayat ni Chief Justice Lucas Bersamin ang mga ahensya ng gobyerno na tumututok sa problema kontra ilegal na droga na muling pag-aralan  ang kanilang mga pinaiiral na polisya.

Ayon kay Bersamin, malaking hamon pa rin kasi sa mga otoridad ang pagharap sa nasabing suliranin dahil mas nagiging creative ang mga sindikato  para makaiwas sa batas.

Ginawa ng punong mahisrado ang apela kasunod ng kanyang pagharap sa Pre-Summit Conference Workshop on Dangerous Drugs Law na inorganisa ng Philippine Judicial Academy.


Ang pre-Summit Conference Workshop on Dangerous Drugs Law ay bahagi naman ng paghahanda sa nalalapit na National Summit on Dangerous Drugs Law na gaganapin sa October 3, 2019 sa Maynila.

Facebook Comments