Mga ahensya ng pamahalaan, pinalalagyan ng isang senador ng CCTV

Manila, Philippines – Pinalalagyan ni Senator Pia Cayetano ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ng surveillance camera para masawata ang lagayan o suhulan sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Nakapaloob ito sa Senate Bill no. 503 na inihain ni Cayetano na tatawaging Surveillance Camera For Government Establishment Act.

Base sa panukala, dapat 24/7 na gumagana ang CCTV, may nagbabantay at ang mga surveillance camera ay nakatutok sa frontline services ng mga ahensya ng gobyerno.


Halimbawa nito ang mga counter ng Bureau of Immigration (BI), Land Transportation Office (LTO), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC) at iba pang tanggapan na nag-iisyu ng permit.

Facebook Comments