Mga ahensyang nakatutok sa WPS, titiyakin na may sapat na CIF

Isa sa mga prayoridad ng House of Representatives na mabigyan ng sapat na pondo ang mga ahensyang nakatutok sa West Philippine Sea (WPS).

Inihayag ito ni AKO BICOL party-list Rep. Elizlady Co na siyang chairman ng House Appropriations Committee na siyang nangunguna sa deliberasyon ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Co, may deriktiba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at House Speaker Martin Romualdez na siguraduhing may sapat na confidential at intelligence fund (CIF) ang mga ahensya na nakatututok sa pagbabantay sa WPS tulad ng Philippine Coast Guard at ng Philippine Navy.


Diin ni Co, matibay ang posisyon ng administrasyon na wala tayong teritoryo na aangkinin ng ibang bansa.

Facebook Comments