Hindi na muna magagamit ang lahat ng Airbus Police Helicopters ng Philippine National Police (PNP) matapos na bumagsak ang isa sa mga ito kanina sa Real Quezon na ikinasawi ng isang pulis at dalawa ang sugatan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Rhoderick Augustus Alba, pinahinto ang paggamit nito habang isinasagawa ang imbestigasyon sa dahilan ng pagbagsak ng H125 Airbus na may registry number RP-9710 sa Real Quezon.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na aniya ng PNP Sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Department of Transportation (DOTr) at iba pang concerned agencies para mas mapabilis ang imbestigasyon.
Hangga’t walang resulta ang imbestigasyon ay hindi magagamit ang mga Airbus Police Helicopters.
Sa ngayon mayroong anim na lang na police helicopter ang PNP matapos bumagsak ang isa kanina.