Ipinaalala ni Public Services Committee Chairman Senator Grace Poe sa mga airline companies na ang prangkisang iginawad sa kanila ng Kongreso ay may kaakibat na responsibilidad at tungkulin na kailangang tuparin.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Poe na ang franchise ay isang pribilehiyo na ibinibigay ng Kongreso sa mga airlines at may ilang bagay na kailangang tugunan ang mga ito partikular ang pagsusumite ng kanilang report sa Kongreso.
Nagpaalala rin si Poe sa Civil Aeronautics Board (CAB) na responsibilidad nilang tiyakin na nakapagbigay ng report sa Kongreso ang isang airline bago bigyan ng “permit to operate”.
Aniya pa, may katumbas na parusa ang pag-o-operate ng isang airline na hindi pa nakakapagpasa ng kanilang annual report.
Irerekomenda ni Poe ang pagre-review sa prangkisa ng mga airlines para silipin kung natupad ang kanilang mga pangako sa ilalim nito.
Ang Cebu Pacific na nabigyan ng franchise noong 1991 ay hindi pa aniya nakakapagsumite ng report habang ang Philippine Airlines, Airphil Express at PAL Express ay 2022 lamang naigawad ang kanilang prangkisa.