Mga airline companies, tutulong sa paghahatid ng relief supplies sa mga lugar na sinalanta ni bagyong Tisoy

Tutulong na rin ang mga airline companies sa paghahatid ng relief supplies sa Bicol Region at sa iba pang lugar na hinagupit ni bagyong Tisoy.

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sumang-ayon ang

Cebu Pacific at Civil Aeronautics Board na magbigay ng libreng espasyo ng cargo para sa relief goods na magmula Manila patungong Bicol Region.


 

Kasabay nito, umapela ang dilg chief sa publiko na mag-donate ng in-kind, para sa mga typhoon victims sa ilalim ng project tabang Bikol.

 

Sa pamamagitan nito ay maipapadama ng mga Pilipino sa mga nasalantang kababayan ang tunay na diwa ng pasko.

 

sa ilalim ng project tabang Bikol, ang mga organizations, civil society organizations, people’s organizations ay maaaring magdala ng donations sa kanilang mga local government unit.

 

Ani Año ang mga donating parties ay maaaring kumulekta ng mga donations saka ilagay sa single container para mabilis na mapick-up ng mga Cebu Pacific.

Facebook Comments