Mga airline company, nag-abiso na sa mga pasahero hinggil sa kanselasyon ng ilang biyahe kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Inabisuhan na ng mga airline company ang kanilang mga pasahero hinggil sa status ng kani-kanilang mga flight kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Batay rin sa anunsyong inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kanselado ang lahat ng morning flights sa Bacolod-Silay Airport.

Kabilang sa mga nagkansela ng ilang biyahe ay ang Cebu Pacific Air, CebGo, Air Asia at PAL Express o Air Philippines.


Ayon sa ulat na natanggap ng CAAP mula sa mga airline station manager, maaaring mag-resume ang mga flight sa hapon depende sa magiging update tungkol sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

Pinayuhan naman ang mga pasahero na manatiling nakatutok para sa mga karagdagang anunsyo.

Facebook Comments