Mga airlines na hindi nakipag-ugnayan ng maayos matapos ang overshoot incident sa runway, inirekomendang sampahan ng reklamo

Manila, Philippines – Pinakakasuhan ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera-Dy ang mga airlines na hindi nakipag-ugnayan ng maayos nang sumadsad sa NAIA ang Xiamen Airlines.

Mababatid na tumanggi si MIAA General Manager Ed Monreal na pangalanan ang mga airlines na hindi nakipag-coordinate sa ‘recovery flights’.

Giit ni Herrera-Dy, hindi pwedeng gawing palusot ng mga airlines na ‘force majeure’ ang nangyaring insidente kaya wala silang pananagutan sa mga naabalang airline passengers.


Sinabi ng kongresista na pinalala lalo ng 61 uncoordinated flights ang insidente na nangyari sa Xiamen Airlines.

Maraming airline passenger’s ang nalaman na lamang ang insidente pagdating sa NAIA at wala man lamang koordinasyon na ginawa ang mga airlines para ipabatid ang status ng mga flights at ang nangyaring insidente.

Dahil dito, hinamon ni Herrera-Dy ang nasa 136,000 airline passengers na maghain ng reklamo sa mga airlines na nagpahirap lalo sa kanilang sitwasyon noong nakaraang linggo.

Facebook Comments