Tiniyak ng Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) na mananatili pa rin ang mga promo sa airfare kahit tapos na ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay ACAP Vice Chairman Roberto Lim, hindi sila magtataas ng pamasahe sa eroplano at hindi rin nila aalisin ang mga promo fares kahit pa luwagan na ang mga restrictions sa kabila ng Coronavirus disease.
Naniniwala si Lim na ang presyo sa airfare ay isang paraan din para mahikayat muli ang mga Pilipino na bumyahe at mamasyal sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Hindi aniya maaaring gawing permanent investment ang kanilang mga polisiya at naniniwala din itong temporary lamang ang krisis na nararanasan ngayon ng bansa.
Ang ACAP ay binubuo ng Cebu Pacific, Philippine Airlines, at AirAsia.
Facebook Comments