Aarangkada ang inihandang mga aktibidad alinsunod sa selebrasyon ng Pangasinan Tourism ngayong buwan ng Setyembre.
Base sa inilabas na schedule of activities ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan Pangasinan Tourism, sa darating na Sept. 5-7, magaganap ang Philippine Travel Mart, habang sa September 8 naman ay ang Opening of New Exhibit at Gallery sa Banaan Museum.
Sa darating na 9, 11-13, isasagawa ang Region 1 Creative Tour 2025 na lalahukan ng iba’t-ibang munisipalidad at lungsod mula Pangasinan.
Aabangan din ang ilan pang kaganapan tulad ng Dayew 2025, DOT R1 Regional Tourism Summit at iba pa.
Layunin ng aktibidad na ipakita at ipagmalaki ang mayamang at malakas na turismo ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









