Mga aktibidad at establishments na bukas sa iba’t ibang quarantine classifications, alamin!

Naglabas ang pamahalaan ng set of guidelines para sa mga lugar na nasa ilalim ng iba’t ibang community quarantine classifications.

Inilatag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga aktibidad na maaaring gawin at mga venues at establishments na pwedeng buksan sa iba’t ibang lockdown restrictions.

Para sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), tanging individual outdoor exercises tulad ng outdoor walks, jogging, running o biking ang pwede.


Pansamantala ring pinapayagan ang lottery.

Pinapayagan ang Al fresco o outdoor dining sa MECQ areas pero sa 50% capacity lamang.

Sa General Community Quarantine (GCQ) naman, pwede ang outdoor sports pero non-contact sports lamang.

Ang lottery at horse racing na may off-track betting stations ay pinapahintulutan din.

Ang indoor sports, venues at tourist attractions ay pwede pero sa 50% capacity lamang.

Ang mga meetings, conferences at tourist attractions ay pinapayagan sa 50% capacity.

Bukas din sa GCQ areas ang personal care services (salons, parlors, at beauty clinics) sa 50% capacity.

Ang outdoor tourist attractions ay pinapayagan din sa 50% capacity.

Pinapayagan din ang staycation sa mga hotel at accommodations na accredited ng Dept. of Tourism (DOT).

Nasa 50% capacity ang pinapahintulutan para sa indoor dining habang full capacity ang pwede sa outdoor dining.

Para sa GCQ “with some restrictions”, tanging non-contact sports ang pwede.

Pinapayagan din ang lottery at horse racing na may off-track betting stations.

Bukas sa 40% capacity ang mga gym at fitness center habang ang indoor sports courts ay bukas sa 50% capacity.

Ang indoor tourist attractions, lalo na sa historical situated museums ay maaaring magbukas sa 40%.

40% capacity ang pwede sa meetings, conferences, at exhibitions habang limitado sa 10% capacity ang social events.

50% capacity para sa personal care services, habang may dagdag na 10% sa mga establishment na may Safety Seal.

Pwede ang outdoor tourist attractions sa 50% capacity na may mahigpit na pagsunod sa minimum health standards.

100% venue capacity ang pwede sa staycation hotels habang ang mga DOT-accredited establishments ay pwedeng magbukas ng hanggang 30% capacity.

Walang age restrictions sa mga nasabing establishments basta nasusunod ang public health standards.

Ang indoor dining ay pwede sa 40% capacity habang 50% sa outdoor dining.

Para sa GCQ with heightened restrictions, pinapayagan ang 30% capacity sa personal care services at may dagdag na 10% kapag may Safety Seal ang establishment.

Pwede rin ang outdoor tourist attractions sa 30% capacity.

Ang staycation hotels ay pwedeng mag-operate hanggang 100% habang ang ibang DOT-accredited establishments ay nasa 30% capacity.

Nasa 20% ang pinapayagang kapasidad para sa indoor dining habang 50% sa outdoor dining pero maaaring dagdagan ng 10% kung may Safety Seal.

Ang lottery at horse racing, at non-contact sports ay pwede.

Para sa Modified GCQ, ang recreational venues tulad ng internet cafes, billiards, arcades at iba pa ay pwede nang magbukas.

Ang tradisyunal na cockfighting o sabong ay pinapayagan maliban sa e-sabong na regulated at may lisensya mula sa PAGCOR.

Pwede ang lottery at horse racing, non-contact sports, indoor non-contact sports.

Nasa 75% ang pinapayagang kapasidad para sa indoor tourist attractions, meetings, conferences, outdoor tourist attractions, staycations at DOT-accredited accommodations.

Ang indoor dining, outdoor dining at personal care services ay pwedeng mag-operate.

Facebook Comments