Mga aktibidad at schedule ng misa sa Quiapo Church ngayong Holy Week, inilabas na

Inilabas na ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ang ilang mga schedule ng mga aktibidad at misa para sa Semana Santa.

Magsisimula ang liturgical activities ng Quiapo Church para sa Holy Week sa darating na Linggo ng Palaspas o Abril 2 ng alas-4:00 ng umaga kung saan magkakaroon ng maliit na prusisyon papasok ng simbahan mula sa Quinta Market.

Tuloy-tuloy rin ang gagawing misa sa nabanggit na araw mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi maliban na lamang sa ala-1:00 at alas-2:00 ng hapon.


Magkakaroon din ng pabasa ng pasyong mahal sa Plaza Miranda mula Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo sa ganap na alas-3:00 ng hapon.

Sa Abril 5 naman ay magaganap ang Senakulo sa Plaza Miranda kung saan gagawin ito ng alas-7:00 ng gabi.

Pagsapit ng Huwebes Santo ay magkakaroon ng misa sa Manila Cathedral ng alas-7:00 ng umaga, misa ng takipsilim ng huling hapunan ng Panginoon sa alas-5:00 ng hapon habang pagdating ng alas-7:00 ng gabi ay isasagawa ang pagtatanod at panalangin sa banal na sakramento.

Sa Abril 7 naman ay magkakaroon ng panalangin sa umaga kung saan kabilang ang novena sa Nuestro Padre Jesus Nazareno gayundin ang Chaplet of Divine Mercy.

Sa alas-12:00 ng Biyernes Santo ay gagawin naman ang pagninilay sa siete palabras o ang huling pitong wika sa alas-3:00 ng hapon at sa alas-4:00 ng hapon ay ang prusisyon ng paglilibing.

Facebook Comments