MANILA – Nakahanda na ang malaking kilos protesta ng mga militanteng grupo kasabay ng ika-44 na taong paggunita ng Martial Law na ideneklara noong Setyembre 21, 1972.Dadaluhan ito ng grupong Anakbayan, Kabataan Partylist at iba pang youth organizations sa bansa.Ayon kay Kabataan Rep. Sarah Elago, magsasagawa ng walk-out ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) ngayong umaga at magma-martsa papuntang Mendiola sa Maynila.Ang aksyon ng mga estudyante ay laban sa patuloy na pagtaas ng matrikula, pagbabalik ng mandatory ROTC at ang pagpapalibing sa libingan ng mga bayani kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.Samantala, nagsama-sama kahapon ang mga itinuturing na bayaning lumaban noong panahon ng Martial Law kung saan nag-alay sila ng mga bulaklak at nagtirik ng kandila sa Bantayog ng mga Bayani.Kasama rin sa pagtitipon ang ilang mga Martial Law survivor.Muli din silang nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ituloy ang planong hero’s burial kay dating Pangulong Marcos.
Mga Aktibidad Kaugnay Ng Ika-44 Na Taong Paggunita Ng Martial Law, Nakahanda Na Ngayong Araw
Facebook Comments