Mga aktibidad kaugnay sa selebrasyong ng ika-119 anibersaryo ng Independence Day sa Lunes – kasado na

Manila, Philippines – Nakahanda na ang ibat-ibang national government agencies para sa pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Independence Day sa Lunes, June 12.

Ayon kay NCR-Philippine Information Agency Assistant Regional Director Emver Cortez, ang tema ng pagdiriwang ng kalayaan sa taong ito ay “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin”.

Aniya – pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simultaneous flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa Luneta Park.


Kasabay nito – nag-organisa ng simultaneous job fair ang labor department, diskwento caravan ng DTI, at may libreng medical at dental mission ang department of health sa Rizal Park.

May libreng sakay din sa June 12 ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) mula 7am hanggang 9am at susundan ito ng mula 5pm hanggang 7pm.

Samantala – bukas, June 9 magsasagawa ang PIA-NCR ng tour sa Pasig River at Luneta sa Maynila.

Libre ito sa publiko kung saan magsisimula ang tour sa Guadalupe Ferry Station papuntang Plaza, Mexico.
DZXL558

Facebook Comments