Mga aktibidad na nasa ilalim ng Alert Level 3, inilatag ng IATF

Inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga aktibidad na papayagan sa ilalim ng Alert Level 3.

Kasunod ito ng pagsasailalim na ng buong Metro Manila sa mas maluwag na Alert Level 3 na magsisimula sa sabado, October 16 hanggang October 31, 2021.

Sa ilalim ng Alert Level 3, papayagan nang makalabas ang lahat ng edad pero depende pa sa ipapataw na alituntunin ng mga Local Government Units (LGUs) sa bawat lugar.


Mula 30% hanggang 40% ang seating capacity na papayagan sa mga negosyong maaari nang mag-operate kasama na ang indoor dine-in services.

Maaari na rin ang mga indoor tourist attraction at mga library, archives, museums, galleries at cultural shows and exhibits, internet cafes, billiard halls, amusement arcades at iba pa.

Pwede na rin ang indoor sports venues maging ang indoor swimming pools.

Papayagan na rin ang pagbubukas ng mga spa pati na ang mga establisyimento na nagbibigay ng mga cosmetic procedures pero hindi pa rin papayagan ang mga sinehan, karaoke bar, clubs maging ang indoor at outdoor amusement parks.

Facebook Comments