
Inilunsad ngayong araw ng Civil Service Commission (CSC) ang kanilang mga isasagawang aktibidad kasabay ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) sa buwan ng Septyembre.
Sasabayan ng anibersaryo ang isang nationwide job fair, prestigious Honor Awards Program, Fun Run, special perks para sa mga government workers at serye ng mga aktibiad na inorganisa para bigyang pagpupugay ang mga government workers at ipagdiwang ang kanilang mga naiambag sa serbisyo publiko.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”
Ang Philippine Civil Service at itinatag noong September 19, 1900 sa pamamagitan ng Public Law No. 5 o “An Act for the Establishment and Maintenance of an Efficient and Honest Civil Service in the Philippine Islands.”
Ipinaliwanag naman ni Atty. Marilyn B. Yap, chairperson ng CSC, ang kahalagahan ng anibersaryo ng CSC para sa buhay at kagalingan ng bawat Pilipino.









