Manila, Philippines – Inilatag na ng PAGASA ang kanilang mga aktibidad bilang pag-obserba sa Typhoon and Flood Awareness Week o TFAW.
Ayon kay Engr. Catalino Davis Deputy Administrator for Administrator and Engineering Services ang TFAW ay taunan ng gagawin tuwing ikatlong linggo ng Hunyo by virtue of Presidential Proclamation 1535 series 2008 na may temang “Science Based Information for Safer Nation Against Typhoon and Flood”.
Layon ng TFAW ay upang malaman ng publiko ang kahalagahan na magiging handa sakaling darating ang anumang kalamidad sa bansa.
Bukod dito ibinida rin ng PAGASA ang pagpatayo tig dalawang High Frequency Doppler Radar in Coastal Areas sa Zambales at Palawan.
Paliwanag ni Davis, nagtayo rin sila ng Storm Chaser Headquarters kung saan ay nagsasagawa ng mga training ang mga forecaster upang maibigay ang tamang impormasyon sa publiko.
Ayon kay PAGASA Weather Division Chief Dr. Esperanza Cayanan, nagsasanay din ang mga forecaster ng updating and skills upang lalong mahasa ng husto sa pagbibigay ng lagay ng panahon.
Mayroon din silang weather live forecast sa pamamagitan ng live streaming bukod dito mayroon din bagong PAGASA website kung saan naghasa pa sa ibang bansa ang kanilang IT at website encoder.