
Inilatag na ng Dagupan City ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng 2026 Chinese New Year Friendship Day bilang pagsalubong sa Year of the Fire Horse na may pagkakaisa, kasaganaan, at pagpapatibay ng pagkakaibigan.
Kabilang sa mga tampok na gawain ang motorcade na gaganapin ngayong Pebrero 16, alas-tres ng hapon.
Isasagawa rin ang Chinese New Year Food Bazaar sa Senior Citizen Courtyard, Dagupan City Plaza ngayong araw hanggang bukas, Pebrero 17.
Layunin ng selebrasyon na ipagdiwang ang kultura, komunidad, at mas pinagtibay na ugnayan ng mga mamamayan habang sama-samang sinasalubong ang bagong taon sa City Plaza.
Facebook Comments










