
Inilatag na ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng ika-36 Civil Registration Month bilang pakikiisa sa pambansang selebrasyon ngayong Pebrero.
Isinasagawa ang pagdiriwang sa ilalim ng temang “Navigating the Future Together: Advancing CRVS in Shaping the Global and Regional Data Ecosystem,” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng maayos at episyenteng civil registration and vital statistics system.
Bilang pangunahing aktibidad, isasagawa ang Civil Registry System (CRS) Caravan sa Pebrero 23 hanggang 24, 2026, sa Arenas-Resuello Sports Complex.
Tampok dito ang iba’t ibang serbisyong may kaugnayan sa civil registry tulad ng pag-isyu ng birth, marriage at death certificates, CENOMAR/CENODEATH, National ID registration, at iba pang kaugnay na serbisyo.
Inanyayahan ng lungsod ang publiko na makilahok at samantalahin ang mga serbisyong inihahandog sa buong buwan ng Pebrero bilang bahagi ng pagdiriwang ng Civil Registration Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










