Mga aktibidad para sa MMFF ngayong taon, iaanunsyo na ng MMDA

Iaanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga aktibidad para sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa MMDA, iaanunsyo nila ito sa isang hotel sa Araneta Center, Cubao, Quezon City mamayang alas-6:00 ng gabi.

Pangungunahan din ng MMDA ang isang appreciation dinner para sa mga nanalo noong 2021 MMFF.


Mamalaman din mamaya ang nanalo sa “I Love Metro Manila” contest kabilang na ang photography, painting at song writing.

Facebook Comments