Inilatag na ng Rural Health Unit (RHU) ng Bayambang ang mga aktibidad para sa Oral Health Month Celebration 2026 na gaganapin sa darating na Pebrero, matapos magsagawa ng finalization meeting kamakailan.
Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Municipal Health Office, Rural Health Units, Philippine Dental Association – Pangasinan Chapter, Department of Health – CHD I, mga Child Development Center (CDC) cluster heads, at iba pang katuwang na ahensya mula sa sektor ng kalusugan, nutrisyon, child development, at seguridad.
Tinalakay sa pulong ang pinal na listahan ng mga aktibidad, iskedyul, at mga tungkulin ng bawat tanggapan kaugnay ng pagdiriwang ng Oral Health Month 2026.
Layunin ng selebrasyon na maihatid ang mga serbisyong pangkalusugan sa mas maraming residente ng bayan sa pamamagitan ng koordinadong aktibidad ng iba’t ibang ahensya.
Inaasahang maisasagawa ang mga aktibidad ayon sa nakatakdang plano sa pagdating ng Oral Health Month sa Pebrero.







