Mga aktibidad para sa rehabilitasyon ng Manila Bay ngayong araw, umarangkada na!

Manila, Philippines – Umarangkada na ngayong araw ang mga aktibidad para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Alas 5:00 kaninang madaling araw nang isara ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula T.M. Kalaw hanggang President Quirino Avenue para sa launching ng Manila Bay rehabilitation project.

Ito ay sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources katuwang ang DILG, Department of Tourism, mmda at iba pang ahensya ng gobyerno,


Kani-kanina lang alas 7:00 ng umaga nang mag-umpisa ang “solidarity walk” patungong Baywalk, Roxas Boulevard.

Una nang hiniling ng Department of Interior and Local Government ang kooperasyon ng 178 mga local government unit at 5,714 mga barangay para maging mabilis ang Manila Bay clean-up.

Bukod sa Manila Bay, magkakaroon din ng simultaneous clean-up efforts sa Las Piñas, Navotas, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Bulacan at Cavite.

Samantala, ngayong araw din inaasahang iaanunsyo ng DENR ang mga establiyimento sa paligid ng manila bay na lumalabag sa clean water act.

Facebook Comments