Mga aktibidad sa Chinese New Year sa lungsod ng Maynila, kinansela ni Mayor Isko Moreno

Muling kinansela ni Mayor Isko Moreno ang mga aktibidad sa nalalapt na Chinese New Year sa lungsod ng Maynila sa darating na Pebrero 1.

Ito’y dahil sa patuloy na tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 Omicron variant sa kanilang lungsod.

Ayon kay Mayor Isko, kanilang lamang iniiwasan na magkaroon ng hawaan sa mga residente at hindi residente ng lungsod partikular ang mga bisita sakaling matuloy ang mga aktibidad sa pag-celebrate ng Chinese New Year.


Kabilang naman sa kinanselang mga aktibidad ay ang tradisyonal na parada, lion at dragon dance, pagsindi ng firecrackers sa kalsada, street parties, stage shows at mga palaro gayundin ang iba pang programa na magiging dahilan ng mass gathering.

Mahigpit naman ipagbabawal ang pagbebenta ng alak sa Binondo area.

Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Isko ang Manila Barangay Bureau (MBB) na mahigpit na ipatupad ang liquor ban.

Ito naman na ang ikalawang sunod na taon na kinansela ang mga aktibidad sa Chinese New Year dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments