
Nakalatag na ang mga aktibidad sa nalalapit na Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo.
Ipagdiriwang ang fiesta ng Señor Sto. Niño sa January 18 kung saan mag-uumpisa ang siyam na araw na misa nobenaryo sa January 8 hanggang 16.
Sa Sabado, January 10 naman gaganapin ang tinatawag na Pistang Paslit para sa mga bata kung saan may prusisyon din na isasagawa sa hapon.
Alas siyete naman ng umaga sa January 17 o bisperas ng fiesta ang prusisyon para sa Lakbayaw na dinadaluhan ng maraming mga deboto.
Kaugnay nito, nagsimula na rin ang pagpaparehistro sa mga lalahok na grupo o tribu sa Lakbayaw procession.
Nilinaw naman ng pamunuan ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Sto. Niño de Tondo na walang kinalaman ang simbahan sa anumang contest o patimpalak na iuugnay sa Lakbayaw.
Nanawagan din ang mga ito sa nga deboto na igalang, panatilihin ang kabanalan at kapayapaan ang debosyonal na aktibidad na ito.








