Thursday, February 12, 2026

MGA AKTIBIDAD SA HUNDRED ISLANDS FESTIVAL 2026, INILABAS NA

Inilabas na pagkakasunod-sunod ng mga aktibidad na nakalinya para sa taunang Hundred Islands Festival 2026 ng Alaminos City na nagtatampok ng iba’t ibang aktibidad na naglalayong ipagdiwang ang kultura, turismo, at pagkakaisa ng komunidad.

Ang programa ay magsisimula sa Pebrero 28 at magtatapos sa Marso 28, 2026.

Bukas ang selebrasyon sa Miss Hundred Islands 2026 Pre-Pageant Night kasunod nito ang mga talent night, street parties, at iba pang paligsahan tulad ng Talaba Ihaw-Ihaw, Acrobat Show, at Dance Showdown na ginaganap sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Mula Marso 18, isasagawa ang Agri-Trade and Tourism Expo sa Plaza Marcelo Ochaue, isang mahalagang bahagi ng festival na nagpapakita ng yaman ng agrikultura at turismo ng Alaminos at karatig lugar.

Bukod dito, magkakaroon din ng mga espesyal na araw para sa mga grupo tulad ng Senior Citizens Day, LGBTQIA+ Day, at Persons with Disabilities (PWD) Day. May mga gabi rin ng kasiyahan at pagkilala tulad ng Educators’ Night, Pasasalamat Night, at ang grand finale ng The Voice of Pangasinan Season 4.

Ang festival ay magtatapos sa isang Thanksgiving Mass sa Lucap Activity Center bilang paggunita sa kaarawan ng lungsod.

Ayon sa mga opisyal, layunin ng Hundred Islands Festival na ipakita ang kultura, likas na yaman, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Alaminos City habang pinalalakas ang turismo at ekonomiya ng lugar.

Facebook Comments