MGA AKTIBIDAD SA KAPISTAHAN NG OUR LADY OF THE PILLAR PARISH CHURCH CAUAYAN CITY, NAKALATAG NA

Cauayan City – Nakalatag na ang mga magaganap na aktibidad sa pagdiriwang ng ika-283 Patronal Fiesta ng Our Lady of the Pillar Parish Church Cauayan City.

Mag-uumpisa ang selebrasyon ng kapistahan sa darating na ikatlong araw ng Oktubre at magtatagal ito hanggang sa ika-12 araw ng parehong buwan.

Ilan lamang sa mga aktibidad na mauunang isasagawa ng Medical and Dental Mission at Blood Letting Activity, Outreach Program, Fun Run na mayroong temang “Takbo para kay Maria”, at Job Fair.


Bukod pa rito, magkakaroon rin ng mga kompetisyon pagdating sa iba’t-ibang larangan katulad ng sports at music na maaaring salihan ng mga eskwelahan sa lungsod ng Cauayan.

Samantala, ang tema naman ng kapistahan ng simbahan ngayong taon ay “A Pilgrimage Journey in Synodality with Our Lady of the Pillar: Embracing Unity, Collaboration, and Mission”.

Facebook Comments