Manila, Philippines – Inilatagng Malakanyang ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte sa kaniyang pagbisita satatlong bansa sa Middle East sa Holy Week.
Ayon kay Foreign AffairsAssistant Secretary Hjayceelyn Quintana, unang bibisitahin ng pangulo ang Kingdomof Saudi Arabia (KSA) mula Abril 10 hanggang 12, kasunod ang Bahrain mula Abril12 hanggang 14 at State of Qatar mula Abril 14 hanggang16.
Sa nasabing state visit,isusulong aniya ni Duterte ang proteksyon ng mga karapatan at kapakanan ngmahigit isang milyong Pilipinong nagtatrabaho sa tatlong bansa, gayundin angpag-imbita sa mga investor na mag-lagak ng puhunan sa bansa partikular sa Mindanao.
Makakaharap aniya ngpangulo si Saudi Arabia’s King Salman Bin Abdulaziz Al Saud, Bahrain’s KingHamad Bin Isa Al Khalifa, at Qatar’s Emir Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani.
Maliban rito, haharaprin aniya ang pangulo sa Filipino community sa nasabing maga bansa.
Nabatid na nasa 760,000ang pinoy sa Saudi Arabia; 60,000 sa Bahrain at 250,000 sa Qatar.
Sa nasabing tatlongstate visits, umaasa ang Pilipinas na makakapag-uwi ang pangulo ng 500 billion USdollar investments mula sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.
Kasabay nito, hindinaman masabi ni Quintana kung may maiuuwi si Duterte sa libu-libong OFWs nastranded sa Saudi dahil sa kawalan ng exit visa at iba pang balakid sa kanilangpagbabalik bansa o repatriation.
Mga aktibidad sa pagbisita si Pangulong Duterte sa tatlong bansa sa Middle East, inilatag ng Malakanyang
Facebook Comments