Thursday, February 19, 2026

Mga aktibidad sa pagsisimula ng Ramadan sa Quiapo Maynila, mino-monitor ng MPD

Nakatutok at nakabantay ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang ginagawang pagsamba ng mga kapatid natin Muslim sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila.

Patuloy ang pagroronda at naka-stand by ang mga tauhan ng MPD upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa pagsisimula ng holy month ng Ramadan.

Nabatid na isa ang Golden Mosque sa pinakasentro ng pagsamba ng mga kapatid natin Muslim na residente sa Maynila.

Sinimulan ang Salah o araw-araw na panalangin kagabi na sinundan kaninang alas-5:00 ng umaga.

Matapos nito ay muling isasasagawa ang pagsamba mamayang alas-12:00 ng tanghali, alas-3:00 ng hapon at alas-6:00 ng gabi na inaasahan na daragsain ng ilan natin mga kapatid na Muslim kaya’t todo bantay rito ang mga tauhan ng MPD.

Facebook Comments