Inilabas na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang inihandang mga aktibidad alinsunod sa pagdiriwang ng Agew na Pangasinan at Pistay Dayat 2025.
Nitong ika-4 ng Abril, pormal nang inumpisahan ang Agew na Pangasinan sa pagdiriwang ng ika-445th Founding Anniversary ng lalawigan. Iba’t-ibang mga aktibidad ang aabangan ng mga Pangasinense tulad ng Asinan Music and Art Festival, Pangasine 2025 Gala, Workshop at Film Showing, Philippine Beach Games, Sunsets with Sining Baybay Artists, Stations of the Cross, Paliket ed Pistay Dayat at Ponsya: Pangasinan Culinary Challenge at marami pang iba. Ilan pa sa highlight ng pagdiriwang ang Pistay Dayat Program, Pistay Dayat Fireworks Display, Asinan Grand Concert, Jobs Fair at Limgas na Pangasinan 2025.
Samantala, patuloy na itinataguyod ang mayamang kultura at tradisyon ng lalawigan maging ang ipinagmamalaking pangunahing produkto tulad ng asin upang mas mapayabong pa ang pagkilala sa Pangasinan hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨