Mga aktibidad sa Semana Santa sa Maynila, sinuspinde ni Mayor Isko Moreno

Nag-anunsyo si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng suspensyon ng mga aktibidad sa Maynila sa nalalapit ng Semana Santa.

Kabilang dito ang penitensya, Visita Iglesia, at caridad sa harap ng lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sinabi ni Moreno na hindi na kakayanin pa ng kanilang 6 na district hospitals na tumanggap ng karagdagang COVID patients.


Aniya, nasa alarming rate na ang Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio Medical Center, Justice Abad Santos Memorial Medical Hospital, at Ospital ng Tondo.

Bagamat alarming na ang kaso ng COVID-19 cases sa Maynila, wala namang balak si Moreno na magpatupad ng citywide lockdown sa lungsod.

Facebook Comments