Nagsanib puwersa na ang iba’t ibang organisadong grupo para sa ilulunsad nilang United Peoples SONA sa ika-apat na State of the Nation Address ni pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.
Pangungunahan ng Bagong Alyansang Makabayan ang kilos protesta at iba pa tulad ng United workers SONA, I-defend, Kalipunan ng kilusang masa, Movement against tyranny, Peoples choice movement, Laban ng masa at Sanlakas.
Kabilang sa nagpahayag na makiisa ay si dating Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno na dumating sa ginawang pulong mga lider ng mga militanteng grupo.
Batay sa inilatag na aktibidad, maaga pa lamang ay may mga pagtitipon na sa ilang lugar sa Quezon City na makikilahok sa kanilang martsa sa Commonwealth Avenue.
Sinabi naman ni Bayan muna Secretary General Renato Reyes, linggo pa lamang ng gabi ay may pagtitipon na silang isasagawa .
Bago ang main event sa tapat ng St. Peter Church sa lunes, may mga programa ring isasagawa ang iba’t ibang grupo sa ilang lugar sa Commonwealth Avenue hanggang sa QC circle.
Lahat ng grupo ay magmamartsa at magkikita sa harap ng St. Peter para sa pangkalahatang programa sa bandang hapon.
Pangunahing isyu na bitbit ng mga raliyista ay may kinalaman sa West Philippine sea, extrajudicial killings at iba pa na ipinupukol sa Duterte administration.