*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang isagawa ngayong araw ang iba’t-ibang aktibidades ng 86th Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army sa bayan ng San Guillermo, Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Lt. Col. Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86th IB, kanilang ilalarga sa Brgy. Dingading ang mga aktibidades ng 86th IB katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela, LGU at mga Barangay Officials kaugnay sa katatapos lamang na ikalimampung anibersaryo ng mga New People’s Army (NPA).
Aniya, magsasagawa ng Film showing activity ang kanyang pinamumunuang batalyon sa bayan ng San Guillermo upang ipanood ang mga rebelasyon ng mga nagbalik loob na NPA, bible study at candle lighting para naman sa mga biktima ng mga rebelde.
Una rin aniyang naisagawa sa ilang lugar ang mga aktibidades ng militar kung saan ay nakapaglabas na ng rebelasyon ang ilang surenderees na walang katuturan ang kanilang pag-anib sa grupo ng mga NPA.
Samantala, inihayag rin ni Lt Col. Dulatre na naging maayos ang kanilang isinasagawang Community Support Program (CSP) sa 19 na lugar na sakop ng 86 th IB subalit patuloy pa rin anya ang kanilang pagbabantay sa seguridad ng taumbayan.
Mensahe naman ni Dulatre na laging bukas ang kanilang pamunuan para sa pakikipag negosasyon sa mga magbabalik loob sa gobyerno at pamimigay ng tulong sa lahat ng mga susuko.