Mga Aktibidades sa Mengal Festival ng Echague, Isabela, Ibinahagi ni LMB National Pres. Faustino ‘Inno’ Dy V!

620

*Cauayan City, Isabela- *Malugod na inaanyayahan ni Faustino “Inno” Dy V, Liga ng mga Barangay National President at Director General ng Mengal Festival ng Echague, Isabela ang lahat ng mga nais na dumalo upang makiisa at saksihan ang kanilang mga inihandang aktibidades para sa kanilang Mengal Festival.

Ayon kay Inno Dy, bukod sa gaganaping Resorts Wear and Talent Portion ng mga nasa tatlumpung kandidata ng Miss Earth 2018 sa araw ng Sabado, Oktubre bente syete taong kasalukuyan ay aasahan rin umano bukas ang pagdating ni Yassi Pressman bilang parte sa selebrasyon ng Mengal Festival ng mga Echagueños.

Magkakaroon din umano ng kauna-unahang International Dance Competition na lalahukan ng dalawampung grupo mula sa ibang bansa at mula sa ibat-ibang rehiyon dito sa ating bansa.


Dagdag pa niya ay aasahan rin umano ng mga manonood ang kanilang isasagawang fireworks display, Cultural Show at Concert ng bandang Callalily habang sa Oktubre bente otso naman ay ang Pinal na Concert naman ng Parokya ni Edgar kasabay ng pagtatapos ng nasabing fiesta.

Facebook Comments