Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa sa mahigit 69,000

40

Bumaba pa sa 69,354 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,636 na mga bagong gumaling.

Samantala, 8,276 ang bagong kaso habang 114 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,028,738 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang kabuuang recoveries naman ay 942,239 at ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 17,145.

Facebook Comments