Mga akusasyon ng CHR sa DOJ, ‘unfair’ ayon kay Sec. Guevarra

Pumalag si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa tila hindi patas na mga akusasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa ahensya.

Matatandaang sinabi ng CHR na hindi naging transparent ang ahensya sa lagay at kondisyon ng jail facilities ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Guevarra, sinisikap ng DOJ na maisiwalat ang mga nangyayari sa loob ng BuCor kung saan pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisiyasat.


Hindi naman aniya patas na sabihing hindi naging transparent ang DOJ sa sitwasyon sa BuCor.

Iginiit ni Guevarra na pina-follow up na nila kay Undersecretary Deo Marco ang listahan mula sa BuCor na hinihingi ng CHR.

Hindi nila itinatago ang official files ng BuCor o anumang personal records ng Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Facebook Comments